First blog post

Ang Pilipinong Paraan ng Pagboto

vote-now-540x361.jpg

                                  Ang eleksyon ay isang paraan ng paghahalal ng lider na maaring mamuno sa isang lipunan. Ang kapangyarihan sa pagpili ay nakabatay sa mga botante kaya dapat itong maging tama at patas. Bago maganap ang isang halalan, ang mga kumakandidato ay nangangampanya upang makuha ang boto ng mga tao. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng ideya ang mga botante sa mga plataporma ng bawat partido.

                            Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na kung saan may kapangyarihan pumili ng lider ang mga mamamayan. Nakakalungkot man sabihin ngunit sa tuwing halalan ay may mga masasamang kaugalian ang mga pilipino tulad ng vote-buying. Ito ay ang pagbili ng boto ng mga mamamayan dahil rito ay nananalo ang mga masasamang lider. Isa ding suliranin ay ang pagkakampi kampi o ang palakasan sa mga nakaraang administrasyon. Isa pang halimbawa ay ang mga natakbong opisyal na kilala tulad ng mga artista. Marami na agad ang naboto sa kanila dahil sila ay sikat at kilala. Noong nakaraang halalan ng mga senior highschool sa University of Perpetual Help System ay naganap ang paglalaban-laban at pangangampanya ng tatlong partido. Inisa isa nila ang bawat silid aralan ng mga senior high upang sila ay makapagpakilala at magpaliwanag ng kanilang mga plataporma. Magaganda ang kanilang mga binitawang mga pangako sa amin at halos lahat sila ay magagaling makipagusap. Kaya ganoon na lamang din ang hirap sa pagdedeisyon kung sino ang iboboto. Ngunit naging madali ang aming pagboto dahil dinaan ito sa pamamagitan ng online voting. Nakakalungkot man isipin ngunit may mga iba rin sa amin na hindi sineryoso ang pagboto. May ilan na binoto lamang kung sino ang kanilang mga kakilala o kaibigan.

                                   Maging ang hindi mga botante ay nakikisali na din sa mga isyu sa botahan gamit ang social media kaya ito’y nagging isang dahilan sa pagkakagulo ng isipan ng iba .Masasabi ko  na ang mga maling kaugalian na ito ay dapat nang wakasan upang magkaroon ng maayos na lipunan at matitino’t karapat-dapat na lider na makakapagbigay sa atin ng wastong serbisyo na ating kailangan. Kailangan nang mamulat ang mga Pilipino sa kanilang mga maling paraan at desisyon.

 Banaue Rice terraces

Ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe o Banaue Rice Terraces ay mga 2000-taong gulang na mga hagdanang-taniman na nililok sa mga bulubundukin ng Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayanang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang “Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo”Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao.

 Puerto Princes Underground River

Ang Pambansang Liwasang Ilog na nasa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa, Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa o Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan, Pilipinas. Matatagpuan ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod ng Puerto Princesa. Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (St. Paul Bay) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang namamahala sa pambansan liwasan simula pa noong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayang mula sa Sabang.